TheSuperHackers Patch Build
Paunawa
Ipinaliliwanag ng pahinang ito kung paano mo mai-install ang pinakabagong bersyon ng TheSuperHackers patch build. Ito ay nasa proseso pa at hindi pa ang pinal na bersyon. Inirerekomenda na bumisita linggu-linggo upang makuha ang pinakabagong update.
Generals Online
Kung ang pangunahing layunin mo ay maglaro ng multiplayer, pakitingnan muna ang https://playgenerals.online. Isa itong mas advanced at developed na plataporma na partikular na ginawa para sa online na paglalaro.
Bagaman gumagana ang TheSuperHackers build sa LAN multiplayer, mas maganda ang karanasan ng karamihan sa Generals Online dahil sa mga dagdag nitong features at mga multiplayer-only fixes.
Pag-install ng TheSuperHackers Build
- Siguraduhin na na-install mo na ang laro at ginamit ang GenPatcher upang ayusin ito. Hindi ito mahigpit na kailangan, ngunit lubos na inirerekomenda. Kung balak mong maglaro ng multiplayer, inirerekomenda ring pumunta sa tab na Playing Online at i-on ang Network optimizations.
- I-click dito upang i-download ang pinakabagong bersyon ng TheSuperHackers build.
- Sa GenPatcher, pumunta sa Installation Info at i-click ang link na Installation Directory para sa Command & Conquer Generals Zero Hour. Kung gamit mo ang Steam, pumunta sa iyong Library, hanapin ang Command and Conquer Generals Zero Hour, i-right click, piliin ang Properties, pumunta sa Installed Files, at i-click ang Browse.
- I-extract ang mga file dito sa direktoryong ito.
- Patakbuhin ang generalszh.exe upang simulan ang laro.




