Inirerekomenda. Kailangan ng aktibong koneksyon sa internet para ma-download ng GenPatcher ang mga kinakailangang pag-aayos at mga add-on na file.
GenPatcher

Patakbuhin nang maayos ang Command & Conquer Generals at Zero Hour sa Windows 10 at 11 gamit ang GenPatcher. Ina-apply nito ang lahat ng pinakabagong ayos at masosolusyonan ang humigit-kumulang 99% ng mga isyung may kaugnayan sa pag-launch ng laro. Compatible ito sa lahat ng pangunahing bersyon ng C&C Generals at Zero Hour.
Naghahanap ka ba ng detalyadong walkthrough para sa GenPatcher? Panoorin ang Paliwanag & Tutorial na video.
Downloads
GenPatcher v2.10

GenPatcher v2.10 Offline Bundle (Ingles at Ruso)

Ang download package na ito ay naglalaman ng GenPatcher kasama ang lahat ng kinakailangan at opsyonal na mga file. Inirerekomenda lamang para sa mga may limitadong access sa internet upang magamit offline.
Para lamang sa English at Russian na game installations.
GenPatcher v2.10 Offline Bundle (Lahat ng mga wika)

Ang download package na ito ay naglalaman ng GenPatcher kasama ang lahat ng kinakailangan at opsyonal na mga file. Inirerekomenda lamang para sa mga may limitadong access sa internet upang magamit offline.
Suportado ang lahat ng wika ng laro.
Mga Sinusuportahang Instalasyon ng Laro
Ang listahan sa ibaba ay nagpapakita ng lahat ng suportadong instalasyon ng laro para sa GenPatcher. Maaaring gumana ang ibang instalasyon ngunit hindi opisyal na suportado. Kung hindi suportado ang iyong instalasyon, inirerekomenda na gumawa ng backup ng direktoryo ng laro bago patakbuhin ang GenPatcher.
- Instalasyon ng laro mula sa Steam (lahat ng wika).
- Instalasyon ng laro mula sa EA App (Ingles at Aleman).
- Instalasyon ng laro mula sa Origin (Ingles at Aleman).
- Instalasyon ng laro mula sa The First Decade (Ingles).
- Instalasyon ng laro mula sa CD (lahat ng wika).
- Instalasyon ng laro mula sa ISO (lahat ng wika).
Mga Ayos
Kapag pinindot ang Apply Fixes button, isasagawa ang mga sumusunod na ayos:
- I-download at i-install Visual C++ Redistributable (x86) 2005.
- I-download at i-install Visual C++ Redistributable (x86) 2008.
- I-download at i-install Visual C++ Redistributable (x86) 2010.
- I-download at i-install Windows Media Feature Pack (kung kinakailangan).
- I-download at i-install DirectX Runtime June 2010.
- I-download at i-install C&C Generals patch 1.08 (kung kinakailangan).
- I-download at i-install Zero Hour patch 1.04 (kung kinakailangan).
- I-download at i-install C&C Generals fixed executable (kung kinakailangan).
- I-download at i-install Zero Hour fixed executable (kung kinakailangan).
- I-download at i-install ang proxy launcher para sa C&C Generals at Zero Hour para sa GameRanger (kung hindi naka-install).
- I-download at i-install ang DatGen para sa C&C Generals at Zero Hour (kung kinakailangan) (kung hindi pa naka-apply).
- I-download at i-apply ang HD game icons para sa C&C Generals at Zero Hour (kung hindi naka-apply).
- Ayusin ang sirang desktop shortcuts.
- Magdagdag ng desktop shortcuts para sa window mode.
- Ayusin ang sirang start menu shortcuts.
- Ibalik ang nawawalang start menu shortcuts.
- Magdagdag ng start menu shortcuts para sa window mode.
- Palitan ang pangalan ng dbghelp.dll sa dbghelp.dll.bak para sa C&C Generals at Zero Hour.
- Palitan ang pangalan ng BrowserEngine.dll sa BrowserEngine.dll.bak para sa C&C Generals.
- Tanggalin ang Data\INI\INIZH.big para sa Zero Hour.
- Gumawa ng optimized options.ini file sa Data folders.
- Ayos para sa error ng EA App: "The final stages of installation didn't go as planned.".
- Magdagdag ng nawawalang entries sa Windows Registry para sa Steam installations.
- Magdagdag ng nawawalang entries sa Windows Registry para sa EA App installations.
- Magdagdag ng nawawalang entries sa Windows Registry para sa Origin installations.
- Magdagdag ng nawawalang entries sa Windows Registry para sa The First Decade installations.
- Compatibility ng Command and Conquer Generals Zero Hour Data folder para sa international versions.
- Automatic game detection kapag nag-i-install ng GameRanger para sa Steam, EA App, Origin, at The First Decade installations.
- Ayos para ma-detect ng GameRanger ang C&C Generals at Zero Hour kapag naka-install sa Steam.
- Ibalik ang kakayahang mag-log in sa C&C: Online para sa Steam installations (kung naka-install ang GenTool).
- Ibalik ang multiplayer compatibility sa pagitan ng Steam at non-Steam installations.
- Ayos para sa lokasyon ng Generals at Zero Hour Data folder na naapektuhan ng Microsoft OneDrive.
- Ayos para gumana ang window mode sa EA App installations.
- Ayos sa command line arguments ng EA App launcher.
- Ayos para gumana ang window mode sa Origin installations.
- Ayos sa command line arguments ng Origin launcher.
- Ayos sa 'Abort' functionality ng GameRanger.
- I-disable ang Origin In-Game para sa Origin installations.
- Tanggalin ang anumang "read-only" file attributes mula sa mga file at folder ng laro.
- Pag-check ng bisa para sa maaaring hindi stable na Intel Graphics Drivers.
- Pag-check ng bisa para sa posibleng hindi stable na "My Documents" path.
- Pag-check ng bisa para sa posibleng hindi stable na game installation path.
- Pag-check para sa Malwarebytes, na kilala sa pagiging sanhi ng instability ng laro.
- Ayos upang ibalik ang kalidad ng decals sa Zero Hour.
- Naayos ang fonts para sa Russian installations.
- Naayos ang crash sa simula para sa high-resolution monitors.
- Dinagdag ang "Edge Scroller" para muling paganahin ang edge-based camera scrolling sa window mode.
- Pilitin ang pagtanggal ng "read-only" attributes mula sa mga file ng laro.
Kapag matagumpay na na-apply ang mga ayos, dapat gumana nang maayos ang laro sa Windows 10 at 11. Magiging matatag ang laro at kayang-kayang maglaro online. Kung makaranas pa rin ng mga error, bisitahin ang GenPatcher Suporta page.
GenTool
Lubos na inirerekomenda. Nagbibigay ang GenTool ng maraming game enhancements tulad ng widescreen support, ayos sa stability, suporta sa online play gamit ang Revora, anti-cheat, observer features, extended zoom, at marami pang iba. Walang dahilan para hindi ito kunin—maliban na lang kung plano mong mandaya sa single player...
Karagdagang Nilalaman
Ang mga nilalaman dito ay opsyonal at gawa ng iba’t ibang miyembro ng komunidad. Maaaring madagdagan pa ang seksyong ito sa paglipas ng panahon. Inaanyayahan kang silipin ito kung may bagay na interesado ka.
Community Map Pack
Ang anumang naka-install na mapa ay makikita sa ilalim ng "unofficial maps" tab kapag pumipili ng mapa para sa Skirmish o multiplayer. Ang map pack na ito ay nahahati sa apat na mas maliliit na bahagi:
- Skirmish at Multiplayer.
- Single player at Multiplayer Co-op Missions.
- AOD at Comp-Stomp Maps.
- Mod at No-Money Maps.
Ang mga single player missions ay maaari lamang laruin sa Skirmish at hindi lalabas sa map selection screen kapag naglalaro sa LAN o online lobbies.
Tungkol & Pasasalamat
Ang GenPatcher ay isang tool na nilikha ni Legionnaire noong 2019. Patuloy niya itong pinapabuti, dinadagdagan ng mga ayos at kakayahang magbahagi ng community content.
Espesyal na pasasalamat kay xezon, na malaki ang naging tulong sa development ng GenPatcher 1.0, at sa pagho-host ng mahahalagang files sa gentool.net para sa GenPatcher 2.0.
Pasasalamat din sa mga tumulong sa pag-test ng mga feature para sa mas mabilis na development at para matuklasan ang mas stable na paraan ng pag-aayos.
Malaking pasasalamat din sa mga tagasalin para sa kanilang oras upang magamit ang tool na ito kahit ng mga hindi bihasa sa Ingles.
Mahigit 300+ oras ang ginugol sa pag-develop ng proyektong ito. Bago ang GenPatcher, aabutin ng 30 minuto hanggang ilang oras para maayos ang laro depende sa karanasan ng gumagamit. Salamat sa paggamit ng software na ito at sa pagtangkilik sa lahat ng hirap na ginugol.
Kung sa tingin mo ay napakalaking tulong ng GenPatcher sa iyo at nais mong magbigay ng pasasalamat, maaari kang mag-donate sa PayPal o bisitahin ang link na ito: https://streamlabs.com/legionnairegenerals.